arrowenvelopefacebookinstagramlinked-intwitteryelpyoutube

Sabi ng Survey ng Nielsen… Naniniwala ang mga Mamimili na ang Yelp ang Pinakamaimpluwensya, Pinakamapagkakatiwalaan at may Pinakamataas na Kalidad na Reviews

Noong nakaraang taon, ibinahagi namin ang pagsusuring ginawa ng Nielsen na nagpapatunay na sumasang-ayon ang mga mamimili sa isang bagay na matagal na nating alam: Inuudyok ng Yelp ang mga mamimili na tangkilikin ang mga lokal na negosyo. Malaki ang naging epekto ng survey na ‘to:

– Halos lahat ng Yelp users (98%) ay nagpatuloy sa pagbili sa Yelp at halos 90% sa kanila ang bumili agad sa loob ng isang linggo

– 4 sa 5 users ng Yelp ang bumibisita sa Yelp dahil binabalak na nilang bumili

– Ginagamit na ng mga tao ang Yelp para hanapin halos lahat ng kailangan nila, mula sa mga kainan, spa, nag-aayos ng kandado, at kung anu-ano pa

Ngayong taong ‘to, may bagong survey na ginawa ang Nielsen at nakibahagi ang 1,000 tao sa Estados Unidos na gumagamit ng iba’t-ibang website para sa mga reviews. Sinaliksik nila ang sagot sa isang paksang matagal nang itinatanong sa’min ng mga may-ari ng negosyo: Ano nga bang lamang ng Yelp kumpara sa iba pang websites na meron ding online reviews?

Ang sagot: Kung ikukumpara sa TripAdvisor, Angie’s List at iba pang lokal na directory, mas madalas pa ding gamitin ng nakararami ang Yelp pagdating sa paghahanap ng lokal na negosyo dahil sa tingin nila’y ito ang pinakamaimpluwensya, pinakamapagkakatiwalaan at may pinakamaraming reviews. Ayon sa datos, pinipili pa din ng nakararami ang Yelp:

– Pagdating sa pinakanakakaimpluensya sa mga mamimili, mas mataas ng 4.5 beses ang pagpili ng mga tao sa Yelp kumpara sa Angie’s List. Samantala, mas mataas naman ng 3 beses ang pagpili ng mga tao sa Yelp kumpara sa TripAdvisor.

– Sa usapang pinakamapagkakatiwalaang reviews, mas mataas ng 3 beses ang pagpili ng mga tao sa Yelp kumpara sa Angie’s List, at mas mataas naman ng 1.5 beses kaysa sa TripAdvisor

– Tungkol sa kalidad ng reviews, mas mataas ng 2.5 beses ang pagpili ng mga tao sa Yelp kaysa sa Angie’s List

Kinikilala ang Yelp bilang pinakamadalas gamitin na review site kapag naghahanap ang mga mamimili ng kainan. Anim na beses na mas mataas ang bilang ng pumipili sa Yelp kumpara sa OpenTable, at apat na beses namang mas mataas kaysa sa Zagat.

 

6a00d83452b44469e201b7c76ecb29970b-800wi

Bilang karagdagan, sinabi ng 84% ng nakibahagi sa survey na ang pinakamahalagang nilalaman para sa kanila ay mga reviews, kasunod naman nito ang rating. Samantala, 77% naman ang nagsabing mahalaga sa kanila ang mapa o lokasyon, impormasyon kung papaano makokontak ang negosyo at oras ng pagbubukas o pagsasara nito.

Pati mga mamimili ay sumasang-ayon na Yelp pa din ang nangunguna pagdating sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga lokal na negosyo.