arrowenvelopefacebookinstagramlinked-intwitteryelpyoutube

Nielsen: 4 sa 5 Yelp users ang bumibisita sa site kapag naghahanda na silang gumastos

Mag-yelp muna bago bumili ng kahit ano. ‘Yan ang pinaniniwalaan ng 4 sa 5 Yelp users ayon sa pinakabagong survey na ginawa ng Nielsen. Ayon sa pagsusuri, 4 sa 5 Yelp users and nagsabi na bumibisita muna sila sa website kapag naghahanda na silang gastusin ang kanilang pera.

Bakit nga ba mahalaga ito? Dahil ito ang nagpapatibay ng impormasyong alam naman na natin – na naghahanap ang mga users ng Yelp ng lokal na negosyo dahil handa na silang gumastos. Ginagamit nila ang Yelp para makapagdesisyon kung aling negosyo ang kanilang tatangkilikin. Sa karaniwan, nasa 102 milyong unique na bisita ang natatanggap ng Yelp sa bawat buwan (batay sa datos noong Q1 ng 2013). Ang daming pagkakataon ang binubuksan nito para makapag-benta. Noong isang linggo lang ay inilunsad namin ang Call to Action. Ito’y isang bagong feature na makatutulong sa mga may-ari ng negosyo para makumbinsi ang mga mamimili na ipagpatuloy ang binabalak nilang pagtangkilik sa negosyong nahanap nila sa Yelp.

Inilunsad din namin ang Revenue Estimator tool na tutulong sa mga may-ari ng negosyo para matukoy nila kung gaano kalaki ang naitutulong ng Yelp sa kanilang negosyo. Pinag-uugnay nito ang customer leads ng Yelp at ang halaga ng kita na tinataya ng mga may-ari ng negosyo. Ibinahagi ng mga may-ari ng negosyong nasa iba’t-ibang kategorya ang karaniwang kita na posibleng makuha nila mula sa Yelp. Ang impormasyong ito ang sasalamin sa parte ng mga mamimili. Kinumpirma na din ng mga users ng Yelp na ang mga aktibidad na ginagawa nila sa Yelp ay kadalasang nauuwi sa pagbili.

Halos lahat ng users ng Yelp ( 98%) ang tumuloy sa pagtangkilik at pagbili mula sa negosyong nahanap nila sa Yelp at halos 90% sa kanila ang bumili sa loob lang ng isang linggo!

Kung di pa sapat ang mga ‘yan para makumbinsi ka na may hangarin talagang bumili ang mga Yelpers, pag-isipan mo ‘to: Higit sa kalahati ng Yelp users (55%) ang nauuwi sa pakikipag-ugnayan sa negosyo (gaya nang tumawag, bumisita, magpabalik-balik sa negosyong ‘yon o madalas na bumili mula sa kanila sa pamamagitan ng Yelp. Hindi na ‘to basta-bastang pagsilip lang sa mga impormasyon! Direkta nang nakikipag-ugnayan ang mga mamimili sa mga negosyo.

Kinumpirma din ng survey na ang mga user ng Yelp ang pinakagustong kostumer ng mga lokal na negosyo dahil sa mga katangian nila: sila’y nakaluluwag sa buhay, edukado, mas bata at mas handang gumastos kumpara sa mga mamimiling wala sa Yelp. Bilang karagdagan, karamihan sa mga mamimili ay gumagamit ng Yelp sa iba’t-ibang platforms (desktop, laptop, tablet o smartphone), at ibig sabihin nito ay nakadepende sila sa Yelp, nakaharap man sila sa kompyuter o kasalukuyan namamasyal.

Ano nga ba’ng benepisyo nito para sa mga may-ari ng negosyo? Dahil ang mga aktibong Yelpers na ‘to ay umaasa sa site para madiskubre nila ang tungkol sa mga bagong negosyo – at para na din mahanap kung saan nila gagastusin ang pera nila – pwede nang lubusin ng mga lokal na negosyo at mga may-ari nito ang mga libreng tools na inaalok ng Yelp para mabuo nila ang kanilang “virtual storefront” at mapataas ang posibilidad na mahikayat nila ang mga Yelpers sa mga karatig-pook.

Heto ang ilan pang payo para sa mga may-ari ng negosyo:

– Siguraduhing wasto ang mga detalye tungkol sa negosyo mo (address, numero ng telepono, oras, at iba pa) para tama ang impormasyon makukuha ng mga mamimili.

– Mag-upload ng larawan ng negosyo mo – natuklasan namin na ang oras na ginugugol ng mga mamimili sa pahinang may litrato ay mas matagal ng dalawa’t kalahating beses kumpara sa oras na ginugugol nila sa pahinang walang larawan.

– Sumagot sa mga reviews, pampubliko man ito o pribado para magawa mong makipag-ugnayan sa mga mamimili at mabigyang-tinig ang negosyo mo.

– Subaybayan ang customer leads at tinatayang kita mula sa Yelp sa pamamagitan ng Revenue Estimate tool nang sa gayon ay malaman mo din kung epektibo ang mga tools

– Pag-isipan mo ang pagbili ng Yelp advertising package para dumami pa ang customer leads at lumago pa ang kita.

Interesado ka bang malaman kung ano pang natuklasan sa Nielsen survey? Silipin ang infographic sa ibaba