arrowenvelopefacebookinstagramlinked-intwitteryelpyoutube

Isang Pag-aaral: Nakatutulong ang Yelp Para Lalong Lumaki ang Kita ng Maliliit ng Nagosyo

Ang Boston Consulting Group ang nangungunang tagapayo tungkol sa iba’t-ibang estratehiya pagdating sa negosyo. Kamakailan lang ay nag-survey sila sa 4,800 may-ari ng negosyo upang malaman kung ano nga ba ang epekto ng Yelp sa maliliit na negosyo. Nakakamangha ang resulta: ang maliliit na negosyo na gumagamit ng libreng Yelp account ay nakatanggap ng tinatayang $8,000 karagdagang kita sa isang taon, at nagmula lahat ng ito sa Yelp.

Kung iisipin mo, may karagdagang $8,000 dahil lang ginamit nila ang kanilang libreng account sa Yelp para sa kanilang negosyo. Malinaw naman na tunay ang karagdagang kita na hinahatid ng Yelp sa mga lokal na negosyo.

Nakamamangha din na natuklasan sa survey na halos tatlong beses nito ang dagdag kita ng mga Yelp advertisers. Dahil dito, umaabot sa $23,000 ang kanilang karagdagang kita sa isang taon at nagmula ito sa Yelp.

Napag-alaman din na nakakakuha pa ng mas mataas na kita ang ilang negosyong nasa ibang kategorya. Nang sinilip namin ang mga numero, nakita namin na ang mga negosyo sa mga sumusunod na kategorya ang kumikita nang malaki sa pamamagitan ng pagpapatalastas sa mga Yelpers na handang bumili:

– Bahay — $54,000*

– Sasakyan — $39,000*

– Mga Lokal na Serbisyo — $36,000*

– Hotel at Paglalakbay — $36,000*

– Pamimili — $24,000*

– Pangkalusugan at Medikal — $20,000*
* Tinatayang taunang kita mula sa Yelp

Dahil ang karaniwang ginagastos sa bawat taon ng mga advertiser ay umaabot sa $4,200** bawat taon, maituturing nang malaki ang kitang bumabalik sa kanila.

Hindi naman ‘to masyadong kataka-taka dahil malaki din ang tinutulong ng Yelp sa mga mamimili kapag naghahanap sila ng negosyong tatangkilikin nila. Ang mas nakakapagtaka ay kung bakit may mga negosyong hindi pa ginagamit ang pagkakataong ito para magawa nilang makipag-ugnayan sa mga kostumer nila.

Sa hiwalay na survey kung saan nakilahok ang 550 may-ari ng negosyo, napag-alaman ng BGC na tatlong porsyento lang ng advertising budget ng maliliit na negosyo ang kanilang nagagamit. Malaki pa din ang ginagastos ng maliliit na negosyo sa tradisyunal na paraan ng pagpapatalastas gaya ng mga diyaryo tuwing Linggo at mga pinapadalang coupon sa koreo.

Kaya lang, nagbago na ang paraan ng mga mamimili kapag naghahanap sila ng tatangkiliking negosyo. Naghahanap na sila online.

Para sa mga negosyong maagang naglaan ng pera para sa online advertising, malaki na din ang naging lamang nila sa kanilang mga kakompetensyang negosyo lalo na pagdating sa panghihikayat ng mas marami pang kostumer at pagpapatibay ng relasyon sa mga dati na nilang kostumer. Sulit na sulit ang paglalaan ng oras para saliksikin kung aling paraan ang pinakaepektibo para sa mga lokal na negosyo.

Kahit pa matagal nang pinag-aaralan ng mga ekonomista ang positibong epekto ng Yelp sa maliliit na negosyo, importante pa din ang pagsusuring ginawa ng BGC dahil ito ang kauna-unahang survey kung saan nakilahok ang mga may-ari ng mga negosyong kabilang sa iba’t-ibang kategorya.

Ang importante: nakatutulong ito para sa maliliit na negosyong gumagamit na ng kanilang libreng account at mas malaki naman ang benepisyong natatanggap ng mga nagpapatalastas.

**Ang karaniwang local ad spend ay umaabot sa $350/buwan o $4,200/taon.