arrowenvelopefacebookinstagramlinked-intwitteryelpyoutube

Ano nga ba ang Yelp(er) Elite?

Nakakamanghang isipin na pangwalong taon na ng aming Yelp Elite Squad noong 2012. Parang kahapon lang, pinagdududahan pa namin kung magandang ideya bang magkita-kita ang mga yelpers. Buti na lang — syempre, alam mo na kung ano’ng nangyari dito — naging matagumpay naman! Kahit pa pangwalong taon mo na o unang taon mo bilang Yelp Elite, gusto naming ipahatid sa lahat ang aming taos-pusong pagbati dahil kabahagi ka na ng grupo namin!

Maraming nagtatanong sa’min kung papaano nga ba maging Elite, kaya may Elite page kami na pwedeng silipin ano mang oras. Wala namang partikular na listahan ng mga bagay na kailangang sundin, basta’t naghahanap kami ng katangi-tanging miyembro ng komunidad na magsisilbing magandang halimbawa sa lahat ng Yelpers, online man o offline, baguhan man sila o matagal nang miyembro.

Kung nasa’yo ang mga katangiang ito ngunit hindi ka pa nagiging Elite, o kaya naman ay may kakilala kang karapat-dapat, pwede mong i-nominate ang sarili mo o ang kaibigan mo ano mang oras. Pumunta lang sa pahinang para sa Yelp Elite para makita mo kung aling siyudad ang may Yelp Elite Squad. Tapos, magpadala ng mensahe sa email na nakatalaga para sa siyudad mo (halimbawa: manila@yelp.com) at isama dito ang link papunta sa profile page mo sa Yelp at kung bakit sa tingin mo ay karapat-dapat kang magkaroon ng Yelp Elite badge. Susuriin ng aming National Elite Squad Council ang nominasyon mo para malaman kung pwede kang makabilang!

Ano nga bang benepisyo ng pagiging Elite? Maliban sa agaw-pansin na badge na idadagdag sa pahina ng profile mo sa Yelp, pwede ka na ring dumalo sa mga eksklusibong pagtitipon, makilala ang iba pang yelpers sa komunidad mo at matuklasan ang iba’t-ibang negosyong hindi mo pa nasubukan noon. Gusto mo bang malaman kung anong klaseng mga kaganapan ang pwede mong puntahan? Magbasa-basa na ng Yelp Community Blog para mabalitaan mo ang tungkol sa mga pagtitipon, soirees, party pati na rin kasalan na nagaganap sa komunidad mo. Baka sakaling makakuha ka pa ng libreng Yelpstick! Kita-kita tayo sa Yelp!